3.04.2009

Pagtatapos

Matatapos na ang lahat, ‘yan ang totoo.
Ang oras ay unti-unting lumilipas.
Isang kabanata ang nagtatapos,
At naguumpisa ang panibago.

Tayo’y nag-away.
Tayo’y umiyak.
Tayo’y nagkasiyahan.
Tayo’y nagmahalan.

Sa panahong mabilis na nawala,
Habang nakatayo kapiling ang lahat,
Napagtanto na ito ang huling pagkakataon.
Maraming salamat, mga kaibigan ko.

Ngayo’y, magpapaalam na,
Handang tumayo ng mag-isa.
Inaalala ang lumipas na kahapon,
Paalam na, mahal kong kaibigan.

Sabay-sabay tayo,
Ipagaspas ang mga pakpak,
At lumipad sa himpapawid.
Saludo ako sayo, kaibigan.

No comments: